Pinangunahan ng City Trade and Industry Department ang ikalawang batch ng Hair Care at Nail Care Training noong Oktubre 9, 2025 sa Brgy. Nag-Iba II, Calapan City.
Ang naturang pagsasanay ay pinamunuan ng mga bihasang tagapagsanay na sina G. Jhun Valdez para sa Hair Cutting Training at Gng. A para naman sa Nail Care Training. Dumalo rito ang mga kalahok mula sa Brgy. Gutad, Nag-Iba I, at Nag-Iba II, na buong siglang tinanggap ang oportunidad na matuto at magkaroon ng karagdagang kabuhayan.
Nagpahayag ng pasasalamat si Barangay Captain Wennie Wong sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni Mayor Doy Leachon, para sa patuloy na pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan na nakatutulong sa mga residente ng kanilang barangay.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Job Generation Program ng Lungsod, na naglalayong makalikha ng bagong oportunidad at kabuhayan para sa mga Calapeño sa iba’t ibang barangay.