Welcome to Calapan City!

DAY 2 | CSC ORIENTAL MINDORO, IPINAGPATULOY ANG PRIME HRM MATURITY LEVEL 3 ORIENTATION SA CALAPAN CITY

Ipinagpatuloy ngayong Oktubre 10, 2025, sa Convention Center, Calapan City ang ikalawang araw ng Orientation, Assessment, at Action Planning on PRIME HRM Maturity Level 3, sa pangunguna ni OIC-HR Marian Teresa G. Tagupa, LPT, MBA, JD, ng Human Resource Management Department ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
 
Ang programa ay patuloy na pinamumunuan ni CSC Oriental Mindoro Field Office Director Maria Theresa R. Poblador, kasama ang mga Department Heads, sa pangunguna niCity Administrator Bobbie Navarro.
 
Sa ikalawang araw ng aktibidad, mas pinagtibay ang mga plano at hakbang upang makamit ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang Maturity Level 3 sa ilalim ng PRIME HRM Program ng Civil Service Commission—isang patunay ng patuloy na pagtutok sa propesyonalismo, kahusayan, at mabuting pamamahala.
 
Bahagi ito ng programang Maayos na Bayan, Sigurado ni City Mayor Doy Leachon, na nagsusulong ng matatag at maaasahang serbisyo publiko para sa lahat ng Calapeño.