ILANG BARANGAY SA LUNGSOD NG CALAPAN, MASUWERTENG NAPABILANG SA SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM (SLP) NG DSWD
Ika-6 ng Oktubre, pormal na naibaba ang seed capital sa tatlong asosasyon at samahan sa lungsod ng Calapan na kinabibilangan ng Sta. Isabel Rainbow, Buhuan Comunal SLPA, at Asenso Comunal SLPA.
Personal na iniabot ni Calapan City Vice Mayor Bim Ignacio kasama si CSWDO Madam Juvy Bahia RSW ang kabuoang halaga na P1,400,000.00. sa mga naturang samahan.
Paunang grupo pa lamang ito sa mga mabibigyan ng kanilang pondo sapagkat makatatanggap pa ang ilang samahan mula naman sa mga Brgy. ng Lazareto,. Canubing II at Balite.