Welcome to Calapan City!

GOVERNOR’S CUP 25U, MAGSIMULA NA!

Pormal nang sinimulan ang Governor’s Cup 25U Intertown Basketball League Season 3 ngayong umaga sa Sentrong Pangkabataan, Calapan City.
 
Bilang bahagi ng masiglang pagdiriwang ng ika-75th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagbubukas ng liga na layuning paigtingin ang pagkakaisa at palakasin ang programang pangkabataan sa larangan ng sports sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.
 
Buo ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa Team Calapan, sa pangunguna ni CYSDO Marvin Panahon, upang higit pang mahikayat ang kabataan na paunlarin ang kanilang kakayahan at palakasin ang diwa ng pagkakaisa sa pamamagitan ng sports.