Isang makasaysayang karangalan ang iginawad ng Professional Regulation Commission (PRC) sa City College of Calapan (CCC) bilang Top 3 Performing School sa Librarianship sa buong bansa matapos ang ginanap na Licensure Examination for Librarian noong Setyembre 2025.
Tinanggap ang pagkilala nina College Administrator Dr. Ronald Cantos, ILIS Dean Sir Joey Villanueva, Program Head Ma’am Ederlyn Delos Reyes, at Director Sherly Jane Mayores, bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pamumuno at walang sawang dedikasyon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa CCC.
Dumalo rin sa nasabing seremonya si Vice Mayor Bim Ignacio, bilang patunay ng malasakit ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa mga institusyong pang-edukasyon.
Kasabay ng pagkilalang ito ang panunumpa ng 19 na bagong lisensyadong librarian mula sa Lungsod ng Calapan—isang patunay ng patuloy na tagumpay at pag-angat ng mga Calapeño sa larangan ng propesyonalismo.
Isa sa core programs ng Maayos na Bayan, Sigurado ni Mayor Doy Leachon ang kagalingan ng edukasyon, dahilan kung bakit patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang mga programang tumutulong sa paghubog ng matatalino, mahusay, at makabayang kabataan ng Calapan.