Welcome to Calapan City!

PPP, Ipinamahagi sa mga Tricycle Driver ng Calapan

Ipinamahagi ng Calapan City Public Safety Department, sa pangunguna ni Public Safety Officer Ermin C. Cabanding, ang Pantawid Pasada Program (PPP) sa mga tricycle driver na may prangkisa sa Lungsod ng Calapan.
 
Ang PPP ay isang fuel subsidy program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na layuning tulungan ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers na makaagapay sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
 
Sa pagpapatupad ng nasabing programa, nakatanggap ng ayuda ang mga kwalipikadong tricycle driver upang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay at mapanatili ang kanilang serbisyo sa mga pasahero.
 
Patuloy namang isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ni City Mayor Doy Leachon, ang mga hakbang katuwang ang mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang matiyak na ang tulong ay naipararating sa mga sektor na higit na nangangailangan.