Welcome to Calapan City!

“PALARO NG LAHI” Tampok sa COOP MONTH

Oktubre 4, 2025. COOPERATIVES NG CALAPAN NAGDIWANG NG COOP MONTH 2025 SA PAMAMAGITAN NG “PALARO NG LAHI”
 
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2025, sama-samang nagtipon ang iba’t ibang kooperatiba ng Calapan City para sa makulay at masayang “Palaro ng Lahi” na ginanap ngayong umaga, Oktubre 4, 2025, sa Pachoca Covered Court, Calapan City.
 
Sa temang “Malasakit, Bayanihan, Sama-sama tungo sa Progreso!”, tampok sa naturang aktibidad ang mga tradisyunal na larong Pilipino na layuning palakasin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkakaibigan sa pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang kooperatiba.
 
Ang programa ay pinangasiwaan at ginabayan ni Ms. Eleanor V. Collera, OIC ng City Cooperative Development Office, na nanguna sa pagsasakatuparan ng mga gawain at aktibidad upang maging matagumpay ang pagdiriwang.
 
Kasabay ng pandaigdigang tema na “Cooperatives United in Purpose and Action, Sharing Prosperity to Build a Better World,” itinampok sa programa ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagsusulong ng inklusibong pag-unlad at pagtutulungan sa komunidad.
 
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, muling pinatunayan ng mga kooperatiba ang kanilang paninindigan sa serbisyo, pakikiisa, at pag-unlad, hindi lamang para sa kanilang mga kasapi kundi para sa buong lungsod ng Calapan.
 
Bahagi ng Maayos na Bayan, Sigurado ni Mayor Doy Leachon ang patuloy na pagsuporta sa mga kooperatiba at sa mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa at kaunlaran sa Calapan City.