Welcome to Calapan City!

MIS ng Calapan City, Tinitiyak ang Matatag na Free WiFi

Umulan man o umaraw, tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng MIS sa mga Access Point para sa Aksyon Agad Free WiFi for All. 
 
Nagsagawa muli ng pagbisita sina Peter Mervin Abogado at Johnny Andal ng MIS upang masiguro ang operasyon ng proyekto, katuwang ang City Government of Calapan at DICT sa pamumuno ni Engr. Alven De Guzman, OIC ng MIS.
 
Ngayong linggong ito, natapos ang pag-aayos sa mga barangay ng Balinggayan, Balite, Pachoca, Palhi, Patas, Santa Rita at Wawa.
 
Sa tulong ng libreng WiFi, mas nagiging konektado ang komunidad—mas madali ang pag-aaral ng kabataan, mas mabilis ang komunikasyon ng pamilya, at mas napapalapit ang serbisyo ng pamahalaan.