“Cooperatives United in Purpose and Action, Sharing Prosperity to Build a Better World.”
October 4, 2025 – COASTAL CLEANUP, HANDOG NG MGA KOOPERATIBA SA PAGDIRIWANG NG COOP MONTH 2025
Calapan City, Oriental Mindoro – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2025, nagsagawa ang mga kooperatiba ng Coastal Cleanup Drive sa Oktubre 4, 2025, ganap na 5:00 ng umaga sa Anahaw – Pachoca, Calapan City.
Sa temang “Malasakit, Bayanihan, Sama-sama tungo sa Progreso!”, layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa at malasakit ng mga kooperatiba hindi lamang sa pag-unlad ng kabuhayan kundi maging sa pangangalaga ng kalikasan.
Pinangunahan nina Ms. Eleanor V. Collera, OIC ng City Cooperative Development Office, at CENRO Wilfredo G. Landicho ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng iba’t ibang kooperatiba at mga katuwang na organisasyon.
Bahagi ng maayos na bayan, siniguro rin ni Mayor Doy Leachon ang pagpapanatili ng kalinisan sa buong Lungsod ng Calapan, bilang suporta sa mga programang nakatuon sa kapaligiran at kalusugan ng bawat mamamayan.
Higit pa sa paglilinis, ito ay simbolo ng diwa ng kooperatiba—ang pagkilos nang sama-sama, pagtutulungan, at pagbabahagi ng kaunlaran para sa lahat.