Welcome to Calapan City!

WORLD TEACHER’S DAY 2025

PAGBIBIGAY PUGAY SA SAKRIPISYO, DEDIKASYON AT SERBISYO NG ATING MGA GURO
 
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, naglaan ng espesyal na programa ang Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, Vice Mayor Bim Ignacio at City Education Department sa pamamahala naman ni Ms. Marvie Mañibo, OIC- City Education Officer para sa mga magigiting na guro ng Calapan, (publiko at pribado) ika 3 araw ng Oktubre na ginanap sa OMNHS.
 
Pagbibigay-pugay at inspirasyon ang naging sentro ng pagdiriwang kung saan binigyan ng nararapat na pagkilala ang mga guro sa kanilang dedikasyon sa paghubog sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
 
Sa pagdalo naman ni City Government of Calapan CA Angel Navarro, aniya layong bigyang importansya ng selebrasyong ito ang natatanging kontribusyon ng mga guro sa pagpapaunlad ng edukasyon ng ating mga kabataan na siyang kinabukasan ng ating bayan. Dagdag pa ni Vice Mayor Bim, layon din ng selebrasyon na bigyang pagkilala ang kahalagahan ng pagtuturo bilang propesyon at bigyang pagpapahalaga ang mga itinuturing na pangalawang magulang sa ating mga mag-aaral.
 
Tunay namang sila ang mga itinuturing na buhay na bayani at may malaking gampanin sa pagbuo at paghubog sa mas maayos na kinabukasan ng bawat henerasyon.
 
Ilang pamper treats ang inihandog rin sa ating mga guro sa kanilang espesyal na araw.