Welcome to Calapan City!

Kalap-Kulinarya Night Market, binuksan sa Calapan

Binuksan ngayong weekend sa City Plaza ng Calapan ang Kalap-Kulinarya Night Market: Acoustic Night & Mini Night Market, isang programa sa ilalim ng Kalap-Kulinarya Food Caravan 2025 na naglalayong ipromote ang lokal na pagkain at local bands, at sabay na buhayin muli ang plaza bilang pasyalan ng pamilya at kabataan.
 
Ang proyekto ay hindi lamang simpleng pagtitipon kundi isang hakbang upang higit pang pasiglahin ang turismo sa Calapan City. Sa pamamagitan ng pagtatampok ng lokal na pagkain at local bands. Llayunin ng Kalap-Kulinarya na ipakita ang yaman ng kultura at talento ng lungsod.
 
Tampok sa unang gabi ang live acoustic band, mga putaheng lokal mula sa iba’t ibang food stalls, at malamig na drinks na nagpuno ng kasiyahan sa plaza. Maraming pamilya at grupo ng kabataan ang dumalo at nag-enjoy sa chill vibes at masayang kapaligiran.
 
Isinasagawa ang Acoustic Night & Mini Night Market ngayong October 3–4 (Friday & Saturday), 6:00 PM onwards, at dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, inaasahan itong magkakaroon ng reruns simula November 15 hanggang Pasko.
 
Sa ganitong paraan, nakikita ang Kalap-Kulinarya bilang hindi lang venue ng kasiyahan, kundi isang estratehiya para gawing pangunahing destinasyon ang Calapan pagdating sa kultura, pagkain, at kasiyahan.