Welcome to Calapan City!

OPRA MIMAROPA 2025: Pagpapakilala ng Yaman at Kultura ng Rehiyon

Isinasagawa ang OBRA MIMAROPA 2025 mula October 2–5, 2025 sa Glorietta Activity Center, Makati City upang ipakita at ipagmalaki ang mga natatanging produkto, kultura, at kagandahan ng MIMAROPA.
 
Lumahok sa trade fair ang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni OIC Joanne Leynes ng City Trade and Industry Department, bilang suporta sa pagsusulong ng lokal na produkto at pagpapalakas ng ugnayan sa industriya at kalakalan.
 
Dumalaw rin sa booth ng Calapan City si EnP. Amormio CJS Benter, CESE, Regional Director ng Department of Trade and Industry – MIMAROPA Region, upang ipakita ang kanyang suporta sa mga kalahok mula sa rehiyon, lalong higit sa Lungsod ng Calapan.
 
Sa pamamagitan ng paglahok ng Calapan City sa ganitong mga event, higit na napapalawak ang merkado ng mga produktong lokal na nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo, kasabay ng pagkilala sa potensyal ng lungsod bilang sentro ng kalakalan at industriya sa Oriental Mindoro. Nagiging daan din ito sa mas malawak na networking at partnerships sa iba’t ibang negosyante at organisasyon na maaaring maghatid ng karagdagang pamumuhunan, habang sabay na naipapromote ang turismo at kultura ng Calapan na lalong nakakahikayat ng interes mula sa mga bisita at mamumuhunan.
 
Ang OBRA MIMAROPA ay patunay na “Marami pa sa MIMAROPA”—higit pa sa kagandahan ng tanawin, ito ay tahanan ng masiglang kalakalan, mayamang kultura, at mga produktong tunay na maipagmamalaki.