“Library on Wheels” ng Pamahalaang Lungsod, sa Brgy. Wawa naman nagtungo
Ikalawang araw ng Oktubre, nagtungo ang Calapan City Public Library sa pamamahala ni Ms. Claire P. Benter, City Librarian, sa Brgy. Wawa, upang isagawa ang Library on Wheels.
Paniniwala ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, bawat kaalaman at aksyon agad na paglinang sa pagbabasa ay tunay na mahalaga bilang tulay sa pagpapa-unlad ng karunungan ng mga kabataan ng Calapan.
Target ng nasabing programang ito ang literacy development ng mga kabataan ng Calapan, kaya naman mainit at patuloy itong isinasagawa at layong mapuntahan ang bawat barangay sa lungsod ng Calapan.