Pagpupulong ukol sa Child Welfare Concerns, dinaluhan ng iba’t ibang sektor sa Calapan
Isinagawa kamakailan ang pagtitipon hinggil sa Child Welfare Concerns na nilahukan ng iba’t ibang sektor upang pagtibayin ang mga hakbang para sa kapakanan ng kabataan at mamamayan ng Lungsod ng Calapan.
Dumalo sa nasabing pagpupulong sina Vice Mayor Bim Ignacio, CA Bobbie Navarro, mga kinatawan mula sa pulisya, Regional Anti-Cybercrime Unit, NBI, DepEd, at mga Punong Barangay, gayundin sina CSWD Officer Juvy Bahia, Hon. Rikka Goco-Plata, ang GAD Officer, at ang City Information Office, bilang pakikiisa sa adhikain ng pamahalaang lungsod.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mandato ni City Mayor Doy Leachon na tiyakin ang pangangalaga at proteksiyon sa ating mga kabataan, kababaihan, at lahat ng mamamayan ng Calapan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, barangay, at iba pang stakeholders, patuloy na isinusulong ang mas ligtas, mas maayos, at mas makataong komunidad para sa lahat.