Welcome to Calapan City!

Kabataang Calapan Hub — Dwell Connect Lead

Pasilidad na Mabisa, Balanse at Sigurado, para sa kapakanan ng kabataang Calapeño
Kabataang Calapan Hub — Dwell Connect Lead
 
Kamakailan, ilang barangay sa lungsod ng Calapan ang dumaan sa DOH Accreditation sa ilalim ng kategoryang Level I Facility, kasama ang City Health and Sanitation Department sa pamamahala ni Dr. Basilisa Llanto – CHO, Dr. Teresita N. Bolor Calapan – City Population Officer, at Ms. Glenda Raquepo RN – City Nutrition Action Officer.
 
Layon ng gawain na ito na magkaroon ng pasilidad kung saan ang serbisyo at gabay para sa ating mga kabataan ay angkop at tunay na makadarama ng tiwala, alaga, suporta at walang pagkukutya o panghuhusga.
 
Ang 12 barangay na mayroong adolescent health friendly facility na tinungo ng CHSD at nabigyan ng DOH ng Accredited Level I Facility ay ang mga sumusunod: Barangay Bondoc, Salong, Lazareto, Gutad, Navotas, Nag-iba I, Nag-iba II, Guinobatan, Sapul, Canubing I at II at Brgy. Malamig.
 
Sa kasalukuyang administrasyon, laging una ang kahusayan at kapakanan ng ating mga kabataan.