Malasakit, Bayanihan, Sama-Sama Tungo sa Progreso
Cooperative United in Purpose and Action, Sharing Prosperity to Build a Better World
Binigyang panahon ang selebrasyon ng Coop Month 2025 sa lungsod ng Calapan, unang araw ng Oktubre, sa pangunguna ni Ms. Eleanor V. Collera – CCCDO.
Suportado ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon ang nasabing gawain sapagkat batid niya ang kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng lokal nating ekonomiya.
Titiyakin naman ng Pamahalaang Lungsod ang pagsusulong ng katarungang panlipunan upang magkaroon ng kakayahan ang mga mamamayan higit na ang mga kasapi sa mga kooperatiba na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Pinasimulan ang naturang selebrasyon sa isang Banal na Misa na pinasundan ng kanilang motorcade, at agad na nagsagawa ng paunang gawain at pagsasanay sa Financial Literacy.
Sa mga susunod namang araw ay gaganapin ang ilan pang aktibidad na naka-angkla sa nasabing selebrasyon, na kinabibilangan ng Consumer Education, Traditional Hilot Healing Mission, Clean Up Drive, Palaro ng Lahi, Community Outreach, Preventive Health Care at 3rd Regional Coop Congress.