Welcome to Calapan City!

Calapan City, Siniguro ang Kalagayan ng Free WiFi sa mga Barangay

Matapos ang bagyo, nagsagawa ng pagbisita sa iba’t ibang barangay ang MISO sa pangunguna ni Peter Mervin Abogado ng Management Information System Office upang suriin at masiguro na maayos ang operasyon ng Aksyon Agad Free WiFi for All.
 
Isinasagawa rin ang Installation of Access Point bilang joint project ng City Government of Calapan at DICT, sa pamumuno ni Engr. Alven De Guzman, OIC ng MISO.
 
Sa tulong ng libreng WiFi, nagiging mas konektado ang komunidad—napapadali ang pag-aaral ng kabataan, napapalakas ang komunikasyon ng pamilya, at mas naihahatid ng pamahalaan ang serbisyo sa bawat barangay.