Welcome to Calapan City!

MULTI-LEVEL PARKING BUILDING — Groundbreaking Ceremony

Naganap ika 30 ng Setyembre ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong Multi-Level Parking Building sa Calapn City Public Market, Brgy. San Vicente North.

Ang hakbang na ito ay para sa mahusay na pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at lubos na pagkamit ng kaunlarang pangkalahatan.

Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, “Walang maiiwan sa landas tungo sa isang Maayos na Bayan, Sigurado. Dapat nakatuon sa kapakinabangan ng maraming mamamayan at hindi ng iilan lamang.” Ang pangangailangang isulong at mapataas ang kalidad ng mga pampublkikong pasilidad para sa kaligtasan at araw-araw na mas maalwan na pamumuhay ng mamamayan ng Calapan — ang nagtulak kay mayor Doy na gawing prayoridad ang pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pisikal na katangian ng Calapan.

Maayos na Bayan, Sigurado — Calapeñong handang harapin ang anumang hamon ng panahon, kasabay ang pagtahak sa matayog na kaunlaran at mas kumportableng kinabukasan.

Naglaan ng tinatayang P27,000,000.00 ang Pamahalaang Lungsod para sa Phase I construction ng naturang Multi-Level Parking Building.