Welcome to Calapan City!

KALAP KULINARYA “A TASTE OF CALAPAN”

Ika 30 ng Setyembre, isinagawa ang Kalap Kulinarya “A Taste of Calapan” sa pamamahala ng Calapan City Tourism, Culture and Arts Office sa pangunguna ni City Tourism OIC – Mr. Christian Gaud.
 
Ibinida ang pinakamasasarap na lokal na pagkain at delicacies ng lungsod kasabay ang pag-akap sa kultura at sining ng Calapan.
 
Kinagiliwan ng madami ang kakaibang karanasang ito na puno ng lasa, musika, at saya!
 
Saludo naman at mainit na nakiisa si Calapan City Mayor Doy sa nasabing gawain, aniya pa “Nararapat lamang na palagiang tangkilikin, ipagmalaki at pagyamanin ang ating mga natatanging kultura, sining at mga lokal na pagkain.”
 
Bawat kwento ay may lasa, bawat lasa ay may kalakip na istorya at saya!