Natatanging mga Empleyado ng City Government of Calapan, Pinarangalan sa Pagtatapos ng 125th Celebration of Philippine Civil Service Anniversary.
Pinangunahan ni Ms. Marian Teresa G. Tagupa, LPT, MBA, JD (OIC-CHRMD) ang Gawad Award para sa mga Natatanging Empleyado, kasama si Director II Maria Theresa R. Poblador ng Civil Service Commission Oriental Mindoro Field Office, na nagbigay ng inspirasyon at pagkilala sa dedikasyon ng mga lingkod-bayan.
Kabilang sa mga pinarangalan ang ating mga huwarang empleyado:
Bukod dito, pinarangalan din ang ating mga Retirees at kinilala ang CGCEA para sa pagiging rehistrado sa DOLE at CSC. Kasabay nito ay inilunsad din ang Search for Outstanding Employee bilang pagpapatuloy ng adhikain sa pagbibigay-halaga sa natatanging serbisyo publiko.
Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pangunguna ng ating butihing City Mayor, Atty. Doy C. Leachon—isang tunay na pagpupugay sa mga makabagong bayani ng serbisyo publiko.