Welcome to Calapan City!

LIWANAG NG PASKO, SUMILAY SA GITNA NG UNOS

Noong Setyembre 25, 2025, sa gitna ng pangamba dulot ng paparating na bagyong Ompong, nasilayan ng mga Calapeño ang pagsindi ng mga ilaw sa Plaza, sa City Hall Complex, at sa kahabaan ng JP Rizal Street.

Hindi lamang ito mga palamuti ng Pasko, kundi naging sagisag ng pag-asa at mabuting hangarin—paalala na sa kabila ng unos, nananatili ang liwanag na gumagabay at nagbibigay tapang sa bawat mamamayan.

Ang pailaw na ito ay bahagi ng mas malawak na plano ni Mayor Doy Leachon para sa kauna-unahang at pinakamalaking Christmas Village sa lungsod, na bubuksan sa nalalapit na Kapaskuhan.

Naging tanda ito ng lakas at pagkakaisa ng Calapan—isang hudyat na sabay-sabay nating haharapin ang anumang hamon, habang sabik na sasalubungin ang pinakamasayang panahon ng taon.

Maayos na Bayan, Sigurado ngayong Pasko.