LINGGO NG PAGLILINANG NG YAMANG TAO — Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
Sumalang sa pagsasanay tungkol sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, Huwebes ika 25 ng Setyembre.
Sa nasabing gawain, binigyang-linaw ang mga karapatan, tungkulin, responsibilidad at mga gawain ng isang tapat na lingkod bayan.
“Katangian ng lingkod bayani, taglay dapat ng bawat kawani. Dapat lahat tayo mahusay na public servant — laging para sa mahusay na kapakanan ng mga mamamayan”. – Mayor Doy C. Leachon
Magkaroon ng pananagutan sa lahat ng kanilang kilos at dapat gampanan ang tungkulin nang may integridad at propesyonalismo — dito umikot ang talakayan at pagsasanay ng araw na iyon.
Layon ng programang ito na mapalawig ang kaalaman ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod para sa mas epektibong serbisyo sa Calapeño.