Welcome to Calapan City!

JOB FAIR 2025

CGC at Calapan PESO, Naghatid ng Oportunidad sa mga Calapeñong Naghahanap ng Trabaho
SANLIBONG TRABAHO — mabigyan ng pagkakataon ang mga Calapeño upang makapag-apply sa mga bakanteng trabaho sa pribado o pampublikong sektor, sa loob o labas ng bansa man. Ito ang pakay at layon ng isinagawang Job Fair ng Calapan City PESO ngayong araw, ika 25 ng Setyembre sa DWCC Gymnasium.
 
Ang Job Fair na idinadaos ngayon ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ay tugon at hakbang sa kanyang ipinangakong sanlibong trabaho para sa mas matatag at kumportableng buhay ng mga Calapeño.
Nasa mahigit kumulang 6,452 ang bilang ng bakanteng trabahong nakalinya sa mga nagtungong jobseekers.
 
Ayon kay Dr. Eder Apolinar M. Redublo City PESO Manager, maaaring makampante ang ating mga jobseekers sapagkat ang mga nakalinyang bakanteng trabaho para sa kanila ay disente, lehitimo at legal.
 
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan at Calapan City PESO, maraming salamat sa lahat ng indibidwal, organisasyon, iba’t ibang ahensya at partner employers na naging katuwang at kabahagi upang maging matagumpay ang aktibidad na ito, para sa mga Calapeño.