Welcome to Calapan City!

GAWAD LINGKOD BAYANI

Parangal sa mga Huwarang Lingkod Bayan ng Calapan! 🏆

Isinara ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary sa pagkilala sa ating mga natatanging empleyado. Sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, katuwang si OIC-CHRMD Ms. Marian Teresa G. Tagupa, at ang ating mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ipinagdiwang natin ang inyong sipag at tapat na paglilingkod.

Ang inyong propesyonalismo at malasakit ang susi sa pag-unlad ng ating Lungsod. Kaisa namin kayo sa paghahatid ng tapat at epektibong serbisyo sa bawat Calapeño!