Pagpupugay sa mga Makabagong Bayani ng Serbisyo Publiko
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125th Civil Service Commission (CSC) Month, nagsagawa ang City Government of Calapan ng isang department-wide painting competition na pinamagatang “LIKHA-BAYANI”.
Layunin ng patimpalak na ito na maipakita ang husay sa sining ng mga kawani ng CGC at higit sa lahat, magbigay-pugay sa mga makabagong bayani ng serbisyo publiko.
Kaugnay nito, ang tema ng selebrasyon ay:
“Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”
Sa pamamagitan ng malikhaing sining, naipinta ng mga kalahok ang kanilang larawan ng isang Makabagong Bayani ng Serbisyo Publiko—isang kawani ng City Government of Calapan, kasalukuyan man o retirado—na nagpakita ng integridad, dedikasyon, at malasakit sa paglilingkod para sa ating Lungsod.
Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang judging ng mga entries upang kilalanin ang mga natatanging obra na tunay na sumasalamin sa diwa ng paglilingkod-bayan.