Hindi nagpapigil sa patak ng ulan ang “Library on Wheels” ng Pamahalaang Lungsod, ika 24 ng Setyembre, na nagtungo sa Barangay Nag-iba II. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Calapan City Public Library sa pamamahala ni Ms. Claire P. Benter, City Librarian.
Naging posible ang kakaibang karanasang ito para sa kabataan ng nasabing barangay dahil na rin sa inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
Pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga kabataan ng Calapan, sa pamamagitan ng komprehensibo at pusposang pagbasa — yan ang layon ng nasabing programa.
Abot kamay ng kabataan ng Calapan ang makulay na kinabukasan sa pamamagitan ng wastong gabay na kalakip ay malikhaing imahinasyon at mahiwagang mga kwento.