Welcome to Calapan City!

LINGGO NG PAGLILINANG NG YAMANG TAO

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 125th PCSA, na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan”, pinangunahan ng City Human Resource Department sa pamumuno ni OIC Ms. Marian Teresa Tagupa, katuwang ang Civil Service Commission (CSC) at Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Frontline Service Excellence Seminar, ika 23 ng Setyembre.
 
Layunin ng naturang pagsasanay na itaguyod ang dekalidad at maayos na serbisyong may tatak Calapeño — mainit, magalang, at taos-puso. Ngunit higit sa lahat, focus ng nasabing seminar na pagyamanin ang pagkakaroon ng malasakit, propesyonalismo, at tunay na kalinga sa kapwa at sa bawat kliyenteng makakaharap ng mga ito.
 
Sa Calapan, paglinang ng kakayahan at kahusayan sa pagbibigay serbisyo publiko sa mga Calapeño — prayoridad ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
(Kate R. Redublo/CIO)