Kaugnay ng ika 125th PCSA, na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing para sa Bayan”, sa pangunguna pa rin ng City Human Resource Department, First Aid & Emergency Response Readiness naman ang matagumpay na naisagawa sa kaparehong araw – hapon, ika 23 ng Setyembre.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kahandaan ng mga kawani ng pamahalaang lungsod sa pagharap sa emergency sa pamamagitan ng pagtuturo ng Standard First Aid Orientation, Bandaging Techniques at iba pa, ng mga kawani ng CDRRMD.
Sa pamamagitan nito, natutunan nila ang akmang mga hakbang sa pagbibigay ng paunang lunas, pagpapabuti ng kanilang kakayahang tumugon sa emergency, at pagpapalakas ng kanilang diwa ng pagiging handa at responsableng kawani ng city government.
Layon ni Mayor Doy C. Leachon na ihanda ang mga kalahok sa wastong pagresponde at mga paunang lunas sa mga oras ng pangangailangan. Bahagi rin ito ng hakbang ng pamahalaan upang matiyak na may sapat na kaalaman sa pagbibigay ng first aid at lifesaving skills ang city government employees.