Para sa mas mabilis at produktibong pagsasaka ng mga Calapeño — isinagawa ngayong araw, ika 23 ng Setyembre ang pamamahagi ng Farm Machineries sa iba’t-ibang Farmer’s Association sa lungsod.
Target ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon na maisagawa sa Calapan ang climate-resilient farming at maisakatuparan ang pagbabawas sa gastos ng mga magsasaka, kaya naman binigyang daan ang aktibidad na ito, sa pamamahala ni CASD OIC Madam Pam Rago.