Welcome to Calapan City!

BEST KIDS SEASON 9: MOU SIGNING AND SEED CAPITAL AWARDING

Isang makasaysayang araw para sa kinabukasan ng ating kabataan! Naganap ang Memorandum of Understanding (MOU) at Seed Capital Awarding sa ilalim ng BEST Kids Season 9 Aksyon Edition!

Sa temang “Aktibong Kabataan: Sama-samang Yayabong sa mga Oportunidad sa Pagnenegosyo,” pinatunayan ng ating pamahalaang lungsod sa pamamahala ni City Mayor Doy Leachon at iba’t ibang paaralan ang kanilang dedikasyon sa paghubog ng mga susunod na negosyante.

Sama-sama nating sinusuportahan ang kanilang pangarap na magtagumpay!