Clark Freeport Zone, Pampanga – Kasunod ng makasaysayang Updating of the Comprehensive Development Plan (CDP) CY 2026–2031 at Ceremonial Signing of the Covenant of Commitment, nagsagawa rin ng benchmarking activity ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa Clark bilang isang investment hub at Special Economic Zone.
Pinangunahan ito nina Mayor Doy C. Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang mga department head ng lungsod, upang higit pang mapalakas ang development planning ng Calapan.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Tourism Promotion Division ng Clark Development Corporation sa pangunguna ni Ms. Elenita S. Lorenzo, sa pamamagitan na rin ng pamunuan ni Atty. Agnes Devanadera, President and CEO ng CDC, na patuloy na nagtataguyod sa Clark bilang sentro ng pamumuhunan at turismo.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng masusing pag-aaral at pagpaplano ng Calapan City, sa pangunguna naman ni City Planning Office Head, Joey Bautista, upang matiyak na ang CDP CY 2026–2031 ay nakabatay sa mga pinakamahusay na praktis at matagumpay na modelo ng kaunlaran.