Noong Setyembre 20, 2025, sama-sama tayong nagkaisa para sa International Coastal Cleanup. Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod sa pamamahala ni City Mayor Doy Leachon, at ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sa pamumuno ni Sir Willy Landicho, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga NGO, nagpakita tayo ng malasakit sa ating mga baybayin.
Salamat sa lahat ng volunteers at organisasyong nakibahagi. Ang inyong pagsisikap ay hindi lang naglinis ng ating dalampasigan, kundi nagbigay rin ng inspirasyon sa bawat Calapeño na protektahan ang ating kalikasan.
Maliit na aksyon, malaking epekto! Patuloy tayong magtulungan para sa isang malinis at masaganang Calapan!