𝐂𝐥𝐚𝐫𝐤 𝐅𝐫𝐞𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐙𝐨𝐧𝐞, 𝐏𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚 – Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Setyembre 18, 2025, ang Updating of Calapan City’s Comprehensive Development Plan (CDP) CY 2026–2031 at Ceremonial Signing of the Covenant of Commitment.
Pinangunahan ni Mayor Doy C. Leachon ang mahalagang kaganapang ito, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Bim Ignacio. Dumalo rin ang lahat ng department heads ng City Government of Calapan bilang patunay ng kanilang buong suporta at kooperasyon para sa mas organisado, inklusibo, at pangmatagalang plano ng lungsod.
Kasama rin sa naturang aktibidad si Mr. Bobb Forones na kumakatawan sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na nagbigay ng mahalagang presensya at suporta sa adhikain ng Calapan para sa mas maayos na pagpaplano at pamamahala.
Layon ng pagtitipon na ito na pagtibayin ang sama-samang pangako ng pamahalaang lungsod upang matiyak na ang mga programa at proyekto ay magiging tugma sa pangangailangan at adhikain ng bawat Calapeño sa susunod na limang taon.
Isang makasaysayang yugto, tungo sa mas maayos na pamamahala at patuloy na pag-unlad ng Calapan City.