Welcome to Calapan City!

CCAA SEASON 20

LEGACY IN MOTION: THE POWER RETURNS

DUMAGUNDONG ang Calapan City Convention Center, Miyerkules ika 17 ng Setyembre sa sigawan at siglang ipinamalas ng iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad ng lungsod ng Calapan na mainit na nakilahok sa ika 20 taon ng CCAA.

Hindi naitago ng mga atletang Calapeño ang kanilang excitement sa pormal na pag uumpisa ng 20th Season ng CCAA. Lalong hindi maikubli ang kanilang saya sa muling pagbabalik ng nag-iisang Mayor Doy C. Leachon na anila ay tunay na nag-aalaga at sumusuporta sa karera ng bawat kabataan at atletang Calapeño.

Bukod sa masiglang programang inihanda, mga mensaheng ibinahagi ng pili at importanteng indibidwal at espesyal na panauhin — nasaksihan sa pamamagitan ng isang pagtatanghal ang ilan sa mga makabuluhang alituntunin at ordinansang mainit ngayong pinatutupad ni Mayor Doy at ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio, tungo sa isang Maayos na Bayan Siguro sapagkat Bawat Isa Mahalaga.

Tiyak na pakaaabangan ng lungsod ng Calapan ang mga kapana-panabik na tapatan at tagisan ng galing at diskarte ng mga atletang Calapeño, dahil na rin sa mas pinahusay at sistematikong organisasyon ng CYSDD sa naturang paligsahan.

Gear Up Calapeños! Pormal na po nating sinimulan — dalawang dekada ng aksyon, diskarte, liksi, galing, talento, talino at disiplina. CCAA SEASON 20, narito na!