Welcome to Calapan City!

PRESENTATION OF THE 2024 CBMS PRELIMINARY RESULTS

Sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon kasama ang mga kawani ng pamahalaang lungsod matagumpay na naisagawa ang presentasyon ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) Preliminary Results para sa Lungsod ng Calapan.
 
Pinangunahan ito ni Charlyn Romero-Cantos, PhD, Chief Administrative Officer & OIC PSA Oriental Mindoro, na ginanap sa Heritage Museum, Old City Hall. Ang mga datos na ito ay mahalaga para sa pagpaplano at pagpapaunlad ng ating komunidad. Ang mga impormasyong ito ang magiging gabay natin sa paggawa ng mas epektibong mga programa para sa ating mga mamamayan.