Welcome to Calapan City!

Pagpapalakas sa Nutrisyon ng Lungsod: Isinagawa ang 3rd Quarter City Nutrition Committee Meeting

Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang mahalagang pagpupulong ng City Nutrition Committee para sa ikatlong quarter, na ginanap sa Conference Hall. Katuwang niya sa pagtitipon sina Vice Mayor Bim Ignacio, Konsehal Jun Cabailo, Dr. Basilisa M. Llanto – City Health and Sanitation Officer, Dr. Ma. Teresita N. Bolor – City Population Development Officer at kasama ang iba pang konsernadong ahensya.
 
Ang pagtitipon ay pinamunuan mismo ni Ms. Glenda M. Raquepo RN, City Nutrition Action Officer, kung saan tinalakay ang mga kasalukuyang programa at plano upang masiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa lahat ng mamamayan ng Calapan City.