Suporta sa ating mga fishpond operator! Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama sina Konsehala Genie Fortu at Sir Willy Landicho (OIC, Fisheries Management Office), ang pamamahagi ng Vannamie at Sugpo fry bilang bahagi ng ating Aquaculture Intervention Program.
Ang Aquaculture Intervention Program na ito ay patunay ng dedikasyon sa pagsuporta sa kanilang kabuhayan. Patuloy ang pag-alalay at pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga ganitong programa na nag-aangat ng kabuhayan ng bawat isang Calapeño.