Ang City Treasury Department ng Calapan ay pundasyon ng maayos na pamamahala sa pananalapi ng ating lungsod. Kami ang nangangalaga sa pagkolekta ng mga buwis at iba pang kita ng lokal na pamahalaan, tiyakin ang wastong paghawak at paglalaan ng pondo, at pagsuporta sa mga programa at serbisyo na nagpapabuti sa buhay ng bawat Calapeño. Sa aming dedikasyon, masisigurong ang bawat sentimos ay napupunta sa pagpapaunlad ng ating lungsod.
Mula sa inyong mga buwis hanggang sa mga serbisyong natatanggap ninyo, ang City Treasury Department ang kasama ninyo sa bawat hakbang. Kami ang nagsisiguro na ang bawat pondo ay nakalaan para sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at iba pang mahahalagang proyekto na direktang makikinabang ang bawat Calapeño. Ang inyong tiwala, ang aming responsibilidad.
Sa darating na Setyembre 15, 2025 sa ganap na ika-8 ng umaga masasaksihan natin ang paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels na gaganapin sa City Plaza Pavilion na pangungunahan ni City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang buong Sangguniang Panlungsod sa pagbubukas nito na hatid ay mga serbisyong dekalidad na mapapakinabangan ng bawat Calapeño.