Welcome to Calapan City!

CITY COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE / MAAYOS NA BARANGAY SIGURADO (MBS) SERBISYO ON WHEELS

Ang City Cooperative Development Office ng Calapan ay katuwang natin sa pagpapalakas ng mga kooperatiba! Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at suporta ng pamahalaang lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon kasama ang Sangguniang Panlungsod sa pamumuno naman ni City Vice Mayor Bim Ignacio. Tinutulungan nating lumago at magtagumpay ang mga kooperatiba, na siya namang nagbibigay ng mas magandang oportunidad at kabuhayan para sa ating mga mamamayan.

Ang City Cooperative Development Office ay mahalagang partner ng Lungsod ng Calapan sa pagtataguyod ng mga kooperatiba. Mula sa pagpaparehistro hanggang sa pagpapalago, nariyan sila upang gabayan at suportahan ang bawat kooperatiba tungo sa mas matatag na kinabukasan.

Hangad ng Pamahalaang Lungsod na mapabuti ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng pag-aalalay sa mga programang kaakibat ay kaunlaran ng bawat mamamayan.

Samahan nyo kami sa paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels na isa ang City Cooperative Development Office sa magbibigay serbisyo sa darting na September 15, 2025 sa ganap na ika-8 ng umaga sa City Plaza Pavilion.