Ang City Assessor’s Department ng Calapan, handang magbigay ng tumpak at maaasahang serbisyo sa pagtatala at pagtatasa ng mga ari-arian. Ang inyong katuwang sa mga usaping pang-ari-arian para sa mas maayos na pagpaplano at pag-unlad ng ating lungsod.
Sa likod ng bawat dokumento, naroon ang dedikasyon ng ating City Assessor’s Department. Patuloy na nagsisikap na matulungan ang bawat mamamayan sa kanilang mga pangangailangan ukol sa real property at iba pang mahahalagang datos.
Hatid ng City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon kasama ang buong Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Bim Ignacio ang paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels sa darating na September 15, 2025 sa ganap na ika-8 ng umaga na gaganapin sa City Plaza Pavilion kung saan naroon ang City Assessors Department na handang magbigay serbisyo para sa inyong mga pangangailangan o anuman katanungan tungkol sa inyong mga ari-arian.