Sa likod ng bawat masaganang ani sa Calapan ay ang dedikasyon ng City Agricultural Services Department (CASD). Mula sa pagbibigay ng teknikal na tulong, binhi, at abono, hanggang sa pagsasanay at pagpapalaganap ng makabagong pamamaraan sa agrikultura.
Isa ang departamentong ito na maghahatid ng serbisyo sa ilulunsad na Maayos na Barangay Sigurad (MBS) Serbisyo on Wheels ng City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon kasama ang buong Sangguniang Panlungsod sa pangunguna naman ni City Vice Mayor Bim Ignacio sa darating na ika-15 ng Setyembre taong kasalukuyan na gaganapin sa City Plaza Pavilion sa ganap na ika-8 ng umaga.
Hangad ng pamahalaang lungsod na matulungan ang mga magsasaka sa naaayon sa angkop na panahon upang magkaroon ng sapat at masaganang ani. Patuloy ang pag-alalay ng pamahalaan sa sektor na ito upang matiyak na bawat magsasaka ay makinabang sa serbisyong ibinibigay sa kanila.
Ang City Agricultural Services Department (CASD) ay patuloy na naglilingkod para sa ikauunlad ng ating mga magsasaka sa Calapan. Sama-sama nating palaguin ang ating sektor ng agrikultura para sa mas masustansyang pagkain at mas matatag na ekonomiya.