Ang City Disaster Risk Reduction Management Department ay may malaking bahaging ginagampanan sa ating komunidad. Pangunahin na dito ang tiyaking ligtas ang ating mga kababayan sa anumang sakuna tulad ng lindol, baha, sunog at iba pang uri ng kalamidad man made man ito o mga natural disaster. Kaagapay sila sa pagtugon sa agarang pangangailangan at seguridad ng bawat mamamayan ng Calapan.
Kaya naman ang City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon at Vice Bim Ignacio katuwang ang buong Sangguniang Panlungsod ay naglalaan ng pondo para masigurong ang departamentong ito ay nakatutugon at nakaaayon sa pangangailangang pangkaligtasan hindi lamang para sa Calapan kundi sa buong lalawigan.
Abangan ang serbisyong hatid ng CDRRMD sa pangunguna ni Sir Dennis Escosora sa paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels na gaganapin sa ika 15 ng Setyembre taong kasalukuyan sa ganap na ika-8 ng umaga na gaganapin sa City Plaza Pavilion.