Isang matagumpay na paglulunsad ang naisakatuparan para sa Maayos na Barangay (MBS) Serbisyo on Wheels at ang Orange Health Card Plus, sa pangunguna ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, katuwang si City Vice Mayor Bim Ignacio at ang buong Sangguniang Panlungsod.
Tinanggap ng mga Barangay Captain ang pagturn-over sa kanila ng Orange Health Card Plus para maipamahagi sa kani-kaniyang barangay na malaking tulong pagdating sa kalusugan ng bawat Calapeño.
Patunay ito sa ating dedikasyon sa paghahatid ng mas pinahusay at mas pinalapit na serbisyo para sa bawat mamamayan ng Calapan. Handa na kaming dalhin ang serbisyo diretso sa inyong mga barangay!