Isang makabuluhang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil ang ating isinagawa sa pamamagitan ng Blood Letting Activity.
Nagpapasalamat tayo sa City Health and Sanitation Department at sa Calapan City Blood Council para sa kanilang walang sawang pagsisikap para sa ganitong mahalagang aktbidad.
Nakiisa naman at nakibahagi pangunahin ang mga kawani ng Pamahalaang lungsod ng Calapan sa pangunguna ng mga department heads sa pagdodonate ng dugo.
Ang bawat patak ng dugo na inyong inihandog ay magliligtas ng buhay.