Welcome to Calapan City!

Todo Benepisyo sa Trike Drivers

3,500 chaleco at 3,500 insurance package, ipinamahagi na sa mga tricycle drivers ng Calapan!
 
Sa ilalim ng programang “Todo Benepisyo para sa Tricycle Drivers”, namahagi si Mayor Paulino Salvador “Doy” Leachon ng chaleco bilang opisyal na uniporme, insurance package, Orange Health Card Plus enrollment, at Discipline City stickers—bilang bahagi ng kampanyang “Maayos na Byahe, Sigurado.”
 
Kasama ni Mayor Doy ang buong Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio, at naroon din ang mga Department Heads ng City Government of Calapan bilang suporta sa programa.