Welcome to Calapan City!

CITY TRADE AND INDUSTRY DEPARTMENT / MAAYOS NA BARANGAY SIGURADO (MBS) SERBISYO ON WHEELS

CITY TRADE AND INDUSTRY DEPARTMENTMAAYOS NA BARANGAY SIGURADO (MBS) SERBISYO ON WHEELS

Isa ang City Trade and Industry Department sa magbibigay serbisyo sa darating na paglulunsad ng MAAYOS NA BARANGAY SIGURADO (MBS) SERBISYO ON WHEELS sa darating na September 15, 2025 sa ganap na ika-8 ng umaga sa City Plaza Pavilion.

Ang City Trade and Industry Department, sa pangunguna ng City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Doy Leachon kasama ang Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Bim Ignacio, ay patuloy na naglilingkod sa mga Calapeño pagdating sa pagalalay sa pangkabuhayan!

Mula sa pagtugon sa mga consumer complaints, pag-aasikaso ng mga livelihood training, hanggang sa product enhancement, price monitoring at iba pa. Ang departamentong ito ay handang tumulong, umalalay at magbibigay ng mga serbisyong makatutulong sa inyong pag-unlad.