Welcome to Calapan City!

CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT DEPARTMENT /MAAYOS NA BARANGAY SIGURADO (MBS) SERBISYO ON WHEELS

Handog ng CSWDD: Tulong at Pag-aaruga para sa Bawat Calapeño!

Sa pangunguna ng City Government of Calapan at sa masigasig na paggabay ni City Mayor Doy Leachon kasama ang buong Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Bim Igancio, ang City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ay patuloy na nangunguna sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyong panlipunan.

Kasama ninyo sa pagbangon mula sa kalamidad, sa pag-aalaga ng mga bata at kabataan, pagbibigay ng counseling, gabay sa adoption sa mag-asawang hindi magkaanak, financial assistance para sa ating mga senior citizens, suporta sa mga may kapansanan, proteksyon sa kababaihan, tulong sa mga solo parent at iba pang mga serbisyong panlipunan.

Ang inyong CSWDD, laging handang umalalay at magbigay ng serbisyong may puso. Kaya naman sa darating na paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels na gaganapin sa September 15, 2025 sa ganap na ika 8 ng umaga sa City Plaza Pavilion sama-sama nating saksihan ang mga libreng serbisyong panlipunan na handang ibaba sa mga barangay.