Ang City Education Department ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon at Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, ay patuloy na nangangalaga sa kinabukasan ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng limang pangunahing programa para sa kanila narito ang Scholar Assistance, Educational Financial Assistance, Aide to Public School Teachers, Education Development Program, at Developing Our Youth Program.
“Hangad ng City Government of Calapan na mapabuti ang mga kabataang magaaral na kabataan sa kolehiyo kaya naman lubos ang tulong ng administrasyong Leachon-Ignacio sa mga programang pang edukasyon na mahalagang humuhubog sa mga kabataan tungo sa kanilang kinabukasan.”
Abangan ang City Education Department sa magbibigay serbisyo sa paglulunsad ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels sa ika 15 ng Setyembre taong kasalukuyan sa ganap na ika-8 ng umaga sa City Plaza Pavilion.