Mula sa City PESO, hatid ang mas maraming oportunidad sa paglulunsad ng Maayos Na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels ngayong Lunes, Setyembre 15, 2025, simula 8:00 ng umaga sa City Plaza Pavilion.
Sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio kasama ang Sangguniang Panlungsod, layunin nating lumikha ng 1,000 trabaho para sa ating mga kababayan. Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa mas maayos na kinabukasan ng bawat Calapeño!