Pagpapalakas ng Kalusugan ng Bawat Calapeño
Higit pa sa pangako, ito ay aksyon! Ipinagmamalaki ni City Mayor Doy Leachon ang paglunsad ng Orange Health Card Plus Program para sa lahat ng Calapeño.
Isang programa na magdadala ng mas pinabuting serbisyo at benepisyong pangkalusugan, direkta sa inyong mga kamay.
Ang Orange Health Card Plus ay higit pa sa isang card – ito ay pangako ng mas malusog at mas siguridad na pamumuhay para sa bawat pamilya sa Calapan.
Isa ang Orange Health Card Plus Program sa mga serbisyong hatid sa pagbubukas ng Maayos na Barangay Sigurado (MBS) Serbisyo on Wheels na gaganapin sa City Plaza Pavilion sa darating na ika 15 ng Setyembre taong kasalukuyan sa ganap na ika-8 ng umaga. Magkita-kita po tayo mga Calapeño!